March 27th, 2007

:)

let the tears flow then wipe from the cheeks

hanggang ngayon tinatanong ko pa rin kung bakit kailangan magpakasal ang mga taong nagmamahalan at gustong bumuo ng pamilya.

may naisip na akong tanungin. noong bata pa ako, may mga bagay na siya lang nakakapag explain ng medyo natatanggap ko. gaya ng kung bakit hindi demonic ang eraserheads o kaya kung bakit ang mga kulto ay hindi katanggap tanggap. yung mga sa totoong buhay eh mababaw na tanong pero nabibigyan niya ng lalim. kasi may laman naman talaga.

kaya lang kinuha na siya ng Lord kagabi. hindi ko alam kung paano magreact. kasi alam kong siya lang makakasagot ng tanong ko sa ngayon.

wala na yung senior pastor namin. wala na si tito bob.

madaya. nandun na siya sa gusto kong puntahan. madaya talaga. hindi man lang nasagot yung tanong ko. sayang kasi siya pa naman yung magkakasal sakin. pero di pa rin nasasagot yung tanong ko.

hi kuya bob, salamat sa pagpapalaki ng maayos sa mga magulang ko. salamat sa votes of confidence [kareees, nakakatuwa ka talaga magsalita noh, kuhang kuha mo yung audience noh; kareees, ang ganda ganda talaga ng boses mo, maglead ka na ng praise and worship; kareees, magmember ka na sa church; karees, para ka talagang mommy mo napakalambing hehehehe].

salamat din po pala for suggesting to name me xaris. pa-autograph kay cs lewis ah pag nagkita kayo jan. pa-apir na rin kay paul, bilib ako dun eh. rock on tito bob, rock on. :)



You've raised them well tito bob. :)
  • Current Music
    sniffs